Brother Mariano "Mike" Z. Velarde, Servant-Leader of the El Shaddai DWXI Prayer Partners Foundation International, is a geodetic engineer by profession and a real estate developer in business.
Among his real estate developments are the Moonwalk Subdivisions in Parañaque and Las Piñas Cities, and the Bricktown Subdivision and Multinational Village, located in Parañaque City, near the Ninoy Aquino International Airport.
Actually, he had neither planned to lead any charismatic community nor dreamt of proclaiming the Good News of Salvation. However, God’s thoughts are not man’s thoughts, neither His ways are man’s ways. Here is the story on how God called him to be a "fisher of men for Christ Jesus" and how the El Shaddai DWXI-PPFI started.
You need to be logged in to be able to post commments.
Evangeline Revilla
Aug 17, 2010, 03:32 pm
PAPURI AT PASASALAMAT SA ATING MAHAL NA YAHWEH EL SHADDAI, yahweh salamat po sa iyong patnubay at pagpapala sa amin. Muli po ay dalangin ko na nawa ay mapagbigyan ako ng management na makapagcash advance sa aking retirement benefit upang magamit ko sa lahat ng mga dapat kong isettle. Hipuin mo po ang puso ng aking mga superiors para maunawaan nila ako at ipaunawa mo po sa kanila yahweh ang aking mga mithiin. Patuloy mo din po akong pagalingin sa aking karamdaman. amen.
Elsa D. Alnas
Aug 17, 2010, 04:48 am
Sis. Herminia "June" Bidar, Thank you very much sa prayer mo...I claim that answered prayer ako. Amen & Amen.
Sis Herminia "June" Bidar, pagpalain ka ng ating Panginoon... To God Be The Highest Glory. Amen & Amen.
Sister Herminia "June" Bidar
Aug 16, 2010, 05:45 pm
Sis Maria Elena:... God is soooooooo good. He is always there to take care of us... to protect us. This is true: Do not be afraid, just believe (have faith). We are SPECIAL to Him. Halleluiah!
Sister Herminia "June" Bidar
Aug 16, 2010, 05:39 pm
Sis ELSA ALNAS: Kaisa mo kami sa iyong mga panalangin.Ipagkakaloob ni Yahweh ang isang magandang panahon. Walang ulan sa oras ng gawain, bagkus ay pagkatapos na ng overnight.In JESUS Name..... Kalayaan po para kay Bro. ALEX ALNAS, sa kasalanan. Save his soul, Lord. All for the Glory of GOD. Amen and Amen
Sister Herminia "June" Bidar
Aug 16, 2010, 05:33 pm
PLEASE JOIN ME IN PRAYER!...Purihin at luwalhatiin KA aming Panginoon El Shaddai! Sa oras pong ito… inaamin po namin na kami ay makasalanan. Patawad po Lord kung kami ay patuloy na nagkakasala sa Iyo sa kabila na kami ay Iyo nang lingkod at tagasunod. Aming Amang El Shaddai, patawad po. Alam po namin na paulit ulit kaming nagkakasala at paulit ulit Mo rin po kaming pinatatawad. Yahweh, pasamahan Mo po kami ng Iyong Banal na Espiritu sa lahat ng oras upang kami ay lumakad ng tuwid patungo sa Iyong landas. Salamat po Panginoon tuwing kami ay makakaramdam ng conviction sa aming mga nagawang mali. Sa dahilan na ito, alam naming kami ay Iyong sinasamahan upang hindi malihis sa landas na aming tinatahak. Salamat po Panginoon sa pagpapalang spiritual na alay mo sa amin. In a most special way, Lord, itinataas namin sa Iyo ang aming kapatid, si MIZUKI GONDA. Please free her totally from epilepsy. Naniniwala kami na isang pitik lamang ng Iyong mga daliri ay magaling na si MIZUKI. Walang mahirap sa Iyo at ito ay amin nang inagkin at kami ay nagpapasalamat na sa total healing na ito na bigay Mo sa aming mahal na kapatid. Kasabay nito, Lord ay ang pagpasa niya sa scholarship exam sa Oct 31. Walang mahirap na bagay para sa Iyo IKAW po ang kaniyang maging nasa isip at IKAW po O aming Ama ang magsusulat ng mga kasagutan sa bawat tanong sa exam. Ngayon pa lang po, kami ay nagpupuri na at nagpapasalamat sa tugon Mo sa aming kahilingan para kay MIZUKI….. Muli, isa pa pong special na panalangin para kay Sis. BELEN CINCO- GONDA. Nawa ,Lord ay gabayan Mo po siya sa araw araw. Palayain Mo po siya sa masamang gawa at palakasin sa kaniyang kahinaan. Alam po namin ay isa ito sa kaniyang mga pagsubok upang dalisayin siya sa kaniyang pananampalataya. Nawa ay maging dalisay siya tulad ng ginto , sa kaniyang pananampalataya at pagtitiwala ng lahat sa Iyo. May she submit everything to you. May she surrender all her life totally to you, so she may feel how good You are to us who believe and who have trusted everything in You, at wala nang iba. Samahan Mo po siyang lagi ng Banal na Espiritu Mo, Lord upang sa bawat hakbang niya ay may kasiguruhan na may guidance Mo. Bigyan Mo po siya ng karungungan at sign kung ano ang dapat niyang gawin sa kaniyang mga plano sa kasalukuyan, upang mapabuti ang kaniyang buhay ganun din ang kaniyang spiritual na paglalakbay. Lagi Mo po siyang ingatan, ganun din ang kaniyang sambahayan. Ilayo Mo po siyang lagi sa kasalanan at mamalagi sa Iyong patnubay at pagpapala. Ipadama Mo po sa kaniya ang Iyong mga yakap to secure her and to put her away from any temptation. Gawin Mo po siyang more mature spiritually at gawin Mo po siyang instrumento Mo sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita Mo. Hindi namin alam kung ano po ang plano Mo para sa kaniya, but what we are sure at is, Your plan for us is to prosper us and take us away from harm and away from sin. Kaya Po nananalig kami na lahat ng bagay sa aming buhay ay maganda Mong plano para sa aming lahat. We surrender all to You. Sa Iyo po ang papuri at pasasalamat sa tulong ng Banal na Espiritu. To GOD be all the Glory! (Lahat po ng bumabasa ay magsabi ng ) Amen at Amen!
Elsa D. Alnas
Aug 16, 2010, 06:54 am
Panginoon, iligtas mo po ang kaluluwa ng bro. husband ko na si AL EXANDER LUCERO ALNAS, sa espiritu ng pangangalunya, espiritu ng pagsisinungaling at espiritu ng katigasan ng puso. Nawa`y mauhaw siya ng iyong mabubuting salita, magsisi sa kanyang mga kasalanan, kalimutan ang nakaraan at magbalik loob na siya sa inyo habang hindi pa huli. Lord, cover my husband with your most precious blood and mantle of protection Mama Mary. Utusan nyo po Panginoon ang libo-libo mong angel na dalhin nila ang bro. husband sa Amvel City on Aug. 21-22, 2010. Ito ang samut dalangin ko Ating Panginoong Jesus. Amen.
Elsa D. Alnas
Aug 16, 2010, 06:44 am
Praised God... Alleluia...Alleluia... amen...Happy 26th Anniversary to all prayer partners & Happy 71st Birthday to our Beloved Servant Leader Bro. Mike Z. Velarde... Panginoon naming lahat bigyan nyo po lagi ng bagong kalakasan ng kalusugan ang aming Servant Leader. Bigyan nyo po kami Panginoon ng magandang panahon sa araw ng celebration ng aming 26th anniversary. Magpadala ka po ng maraming kaluluwa na dumalo sa malaking gawain na darating Panginoon... These I ask through Christ Our Lord... Amen...
Maria Elena
Aug 15, 2010, 11:10 am
Mapagpalang araw po sa lahat ng mga masusugid na sumusubaybay sa gawain ni Yahweh sa pamamagitan ng eradioportal. Una sa lahat gusto ko magpasalamat sa himalang ginawa ni Yahweh El Shaddai. Gumawa sya ng paraan para hindi matuloy ang aking cancellation papers para sa aking visa. On the spot sinabi ng aking General Manager na ikakansel na visa ko bukas. Pero hindi ako nawalan ng pag asa patuloy pa rin me sumasamo kay Yahweh ng tahimik. Isang himala pinatawag ako ng may ari para sabihin na hindi na itutuloy ang aking cancellation. Bibigyan pa daw nila ako ng huling chance para matama ang lahat ng aking pagkakamali. Praise the Lord. God is good all the time. Gusto ko rin magpasalamat kay sister Ma. Teresa Santos at sa isa pang alagad ni Bro. Mike sa Israel , sorry po nakalimutan ko po name nya. Babanggitin ko n lang po siya susunod na pagsulat ko po dito. Glory to God. Glory to Jesus Christ. Amen.Amen.amen
Nora Fe P. Villa
Aug 15, 2010, 08:08 am
Praise God!!! Halleluia...halleluia...talagang napakabuti ang ating Yahweh El Shaddai...Believe and trust in Him always without any doubt...
Sister Herminia "June" Bidar
Aug 13, 2010, 01:11 am
Isang patotoo: Noong gabi ng ika -8 ng Agosto, dumating sa bahay ang anak kong 23 yrs old, galling sa pagba-basketball. Hawak hawak niya ang kaniyang daliri na palasingsingan sa kanang kamay. Sinabi niya na ang daliri niya ay tinamaan ng bola at ito ay nabali sa dugtungan sa gitna ng daliri, ng pabalik at ito ay tumingala paitaas. Sa regalong tapang at tiwala ng anak ko sa Panginoon, hindi siya natakot. Sa kabila ng pagkabigla sa kaniyang nakita sa nangyari sa kanyang daliri, ito ay buong lakas niyang hinila at ibinalik sa dating direksyon ng daliri. Nilagyan niya agad ng ice at saka siya umuwi sa bahay. Sa aking pagkakita sa kaniyang daliri, ito ay wala namang pagbabago kundi medyo namamaga. Tahimik kong idinulog sa Panginoon ang kalagayan ng aking anak at humingi ako sa Diyos ng kagalingan para sa kaniya. Sa loob ng 3 araw na nakaraan ay araw araw akong tahimik na nananalangin para sa kagalingan ng anak ko. Tahimik din siya palagi habang hinahaplos ko ng dahan dahan ang daliri niya. Sa bawat pagkamusta ko sa kanyang daliri, saglit kong hinahaplos ito ng aking mga palad na inangkin ko nang kamay ng Panginoon. Hindi pa rin kontento ang aking asawa hanggang hindi nai-x-ray ang daliri ng anak ko. Kaya kahit alas 9 na ng gabi sa ikatlong araw, kami ay nagpunta sa Hospital upang magpa x-ray. Sa x-ray room pa lang ay inangkin ko na, na walang makikitang abnormality sa daliri ng anak ko. At ganun nga, walang nakitang bali o ano mang fracture sa x-ray. Ito ay isang himala na naman ni Yahweh El Shaddai sa aking anak. Pangalawang beses na rin po siyang iningatan ni Lord. Una sa kaniyang ankle. Ganun din ang nangyari. Pinagaling at inayos ni Lord ang nagkadiprensyang paa niya. ……….Sa mga lingkod NIYA, ang aming Health Insurance ay ang Insurance mula ke Lord, sa pag iikapu. Talagang napakabuti ni Lord, El Shaddai sa lahat ng tapat na lingkod. Isa man lang sa isang sambahayan ang maglingkod at magtiwala sa Diyos, iingatan NIYA ang buong sambahayan nito. Papuri sa Diyos. Ang kaluwalhatian Niya ay aking isisigaw sa buong mundo. Lahat ng papuri ay sa Iyo, aming Ama, Yahweh El Shaddai! Amen!